Tuesday, February 15, 2011
Buhay Pinas
Tumaas na naman ang pamasahe dagdag gastusin para ke Juan De la Cruz pero ok lang likas sa Pinoy ang matiisin at pasensyoso laging umaasa na me pagbabago pa Habang me buhay me pag-asa Sana buhay pa tayo pag dumating na ang pag-asa na yon. Kayod Juan upang makaraos sa pang-araw araw na pamumuhay kahit papaano hirap man ay nasa sarili mong bayan ka kapiling mo ang mga mahal sa buhay di kapareho ng iba na kailangan umalis ng bansa upang maiahon ang pamilya sa kahirapan at mabigyan ng kaunting kaluwagan sa buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ng yan sana maisip natin at maisapuso at magpasalamat sa taas sa lahat ng biyayang ating natatanggap mula sa Kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment