Sunday, February 20, 2011

Nonito Donaire The next Big Thing


After defeating Montiel with great combination of punches Nonito is ready for stardom following his idol Manny Pacquiao. In my humble opinion "dapat umangat na sya ng timbang pantungo sa mga sikat na boksingerong naghahari sa Featherweight division pag me tinalo siya isang champion katulad ni Juan Manuel Lopez ay ganap na siyang makikilala sa buongmundo sa larangan ng Boksing" Go Go Filipino Mabuhay Ka Nonito..

Tuesday, February 15, 2011

Buhay Pinas


Tumaas na naman ang pamasahe dagdag gastusin para ke Juan De la Cruz pero ok lang likas sa Pinoy ang matiisin at pasensyoso laging umaasa na me pagbabago pa Habang me buhay me pag-asa Sana buhay pa tayo pag dumating na ang pag-asa na yon. Kayod Juan upang makaraos sa pang-araw araw na pamumuhay kahit papaano hirap man ay nasa sarili mong bayan ka kapiling mo ang mga mahal sa buhay di kapareho ng iba na kailangan umalis ng bansa upang maiahon ang pamilya sa kahirapan at mabigyan ng kaunting kaluwagan sa buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ng yan sana maisip natin at maisapuso at magpasalamat sa taas sa lahat ng biyayang ating natatanggap mula sa Kanya.

Wednesday, February 9, 2011

Goodbye Angie Reyes

Paalam Angie Reyes ikaw lamang ang nakakabatid ng tunay na dahilan sa pagkitil ng iyong sariling buhay sa kabila ng mga akusasyon na ibinabato sa iyo me katotohanan man o wala naniniwala pa rin kami na marami kayong nagawang kabutihan para sa bayan at lalo na sa pagmamahal sa yong pamilya.