
Bagong insidente, bagong pagkitil ng buhay ng mga walang muwang na mga kababayan natin na ang tanging pagkakamali o kamalasan lamang ay mapasakay sa sasakyan na target na mga pinaghihinalaang terorista. Dating gawi na naman ang mga me kapangyarihan doble ingat ngayon sila todo kapkap todo tsek ang laman ng mga dala-dalahan ng mga biyahero.. Pinoy Kasi ika nga ng barberong kapitbahay namin.. Ningas Kugon ang namutawi sa labi ni Juan De La Cruz.. Bakit nga ba nagagawa ng mga taong ito ang mga kadumal-dumal na gawain na ito na walang pag-aalinlangan at ng buong tapang? Mga pangarap na nawalang parang bula, mga taong inaasahan ng pamilya na mag-aahon sa kanilang kahirapan ay nangasawi sa pangyayaring walang kabagay-bagay.
No comments:
Post a Comment